Patungo naman tayo sa Aguinaldo Shrine.
|
Aguinaldo Shrine |
|
Larawan ng magkakapatid na Aguialdo |
Tanyag na tanyag ang Aguinaldo Shrine sa Pilipinas, dahil noong ika-12 ng Hunyo, taong 1898, dito unang iwinagayway ni Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas opisyal na idineklara ang kalayaan ng mga Pilipino sa mga Kastila. Dito rin nanirahan ang kanyang, mga magulang, pitong kapatid, at siya mismo. Dito rin sa bakuran niya inilibing si Aguinaldo, ayon sa kanyang kahilingan.
Sa loob, maraming kwarto ang aming nasilayan, at mayroon din kaming nakitang mga secret passageways na ginamit ng pamilya tuwing may umaatake. Makikita mo ang pagka-makabayan ng pamilyang Aguinaldo sa mga sagisag na nakaukit sa dingsing, kisame at sahig na yari sa mamahaling narra at kamagong.
|
Isang bahagi ng sala ng Aguinaldo Shrine |
|
Isa sa mga asotea sa tahanan |
Ito ang pinaka-paborito kong napuntahan, hindi lang dahil nakakamangha ang itsura nito sa loob at labas, kundi dahil na rin sa dami ng matututunan mo sa isang bisita. Ang taga-gabay sa aminay naghandog ng napakaraming trivia at impormasyon tungkol sa bahay at buhay ng mga Auinaldo. Nakakabighani talaga ang kasaysayan ng kanilang pamilya, at kahanga-hanga talaga na sa daing taon ang nakalipas, ay nakatayo pa rin ito at nagsisilbing inspirasyon na matutunan natin ang ating sariling kasaysayan.
|
Ako sa tabi ng mga tableta sa Aguinaldo Shrine |
No comments:
Post a Comment