Nagsimula ang aming paglalakbay sa Zapote Battlefield Bridge and Monument.
|
Zapote Monument |
Ang tulay ng Zapote ay isang pook na kung saan dalawang digmaan ang naganap: noong Pebrero 1897, nakipaglaban ang mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa puwersa ng mga Kastila, at noong Hunyo 1899, laban naman sa mga Amerikano.
Noong 1899, may tatlong-libong Amerikano ang nakipag-giyera, na pinamunuan ni Heneral H.W. Lawton, habang limang-libo naman ang mga Pilipino, na pinamunuan nina Heneral Artemio Ricarte at Heneral Mariano Noriel.
Ito ay tinaguriang isa sa mga pinakamalaking labanan sa Digmaang Pilipino-Amerikano sa Zapote, Cavite.
|
Zapote Battlefield Marker |
Nakakagulat para sa akin, na ang isang simpleng tulay na nadadaanan ko minsan, ay pinagganapan pala ng hindi lang isa, pero dalawang laban, at nakakatuwang isipin na sa tagal at tindi ng panahon ay nakatayo parin ito.
Ngunit, kasabay nito, nakakalungkot rin, na ang isang makasaysayang pook na tulad nito ay hindi na kinikilala ng kabataan, at napapaligiran na rin ng basura at dumi. Na kahit, sa dami ng dinanas nito at sa tibay nito, ay kinalimutan na siya bilang isang tagpuan ng laban.
|
Ang aking mga kagrupo sa Zapote Bridge |
|
Ako sa harapan ng monument |
|
Ang Kabihasnang Makabayan |